From The Revolt of the Masses: The Story of Bonifacio and the Katipunan, by Teodoro A. Agoncillo (Quezon City: University of the Philippines Press, 2002 [1956]).

Ang Unang Sigaw ng Himagsikan

Ang unang Sigaw ng Paghihimagsik ay nangyari, hindi sa pook na kinalalagyan ngayon ng monumento sa Balintawak, kundi sa Kangkong. Nangyari ito noong ika 25 ng Agosto ng 1896, ayon na rin sa patunay ng Balo ni Andres Bonifacio . . .

Dahil sa si Rizal at iba pang matatalino ng panahong iyon, kabilang na rin pati si Mabini, ay hindi kasangayon at kasalungat ng paghihimagsik, sa matuwid na hindi pa nahahanda ang bayan para sa ganitong gawain na ipinalalagay nilang lubhang mapa-nganib, kaya sina Andres Bonifacio at Emilio Jacinto ay umisip ng mabuting paraan upang maipagpatuloy at huwag manglamig ang inihanda nilang paghihimagsik, ginawa nila ay ipinangalat na kasabuwat ng Katipunan ang lalong mga litaw na maginoo at ma-yayaman sa Maynila, at upang manibulos sa paniniwala ang bayan, ang ginawa pa nila’y lihim na ipinagsuplong ang mga mayayamang ito sa mga may kapangyarihan at nang ipadakip na at ipabaril ng mga kastila ang mga nasabing marurunong at mga mayayaman na kinabibilangan nina Don Francisco Roxas at iba pa, at ang iba naman ay ipinatapon, tulad nina Luis Yangko at iba pa, ay lumakas ang loob ng marami at pati ng mga nagaalanganin sa paghihimagsik ay nakisama na kina Andres Bonifacio at Emilio Jacinto. Ang may kagagawan nito ay si Emilio Jacinto at kaya naman ginawa  ang gayon ay upang maipagtagumpay  ang paghihimagsik, hindi kailangang puhunanin ang buhay ng ilang ma-rurunong at mayayaman, yamang and kalahatan naman ay siyang makikinabang at mapapabuti.

Uncmg Labanan ng mga Pilipino’t Kastila

Ang mga unang labanan ng mga kastila at ng mga maghihi-magsik ay nangyari sa Balintawak, San Juan, Rizal, Pateros, Mandaluyong, Santa Mesa, at San Mateo. Kung hindi man nag-tagumpay ang mga manghihimagsik sa mga unang pakikilaban ay naging sanhi naman ito upang ang Katipunan ay lumaganap sa iba’t ibang dako, kabilang na ang Kabite at iba pang kalapit lalawigan.

Nang magtatapos ang taong 1896 ay dumating sa Kabite si Andres Bonifacio, bilang pagbibigay loob sa anyaya nina heneral Artemio Ricarte at Mariano Alvarez. Nang dumating na si Andres Bonifacio, ang lalawigan ng Kabite ay nahahati sa dalawang pang-kat, na ang isa’y kilala sa tawag na Magdiwang na siyang kina-bibilangan ni Andres Bonifacio at pinangunguluhan ni heneral Mariano Alvarez na tinawag na “Virey” o pangalawang hari, na sumasakop sa mga bayan ng Nobeleta, San Francisco de Malabon, Indang, Mendez Nuiiez, Alfonso, Bailen, Marigundong, Ternate, Naik, Tansa, at Salinas at ang isang pangkat ay tinatawag namang Sangguniang Magdalo at ang nasasakop ay ang mga bayan ng Kawit, Imus, Bakood, Perez Dasmarifias, Karmona, Silang at Amadeo.

Dahil sa Halalan ang Pagsama ng Loob ni Bonifacio

Nang makuha ng mga kastila ang Silang at dahil sa walang awang pananampalasan ng mga kastila, ang bayan ay humingi ng pagkakaisa dahil sa ang mga manghihimagsik ay nahahati nga sa dalawang pangkat na ang isa’y kilala sa tawag na Sangguniang Magdiwang at ang isa’y Sangguniang Magdalo. Si Jacinto Lum-breras ay siyang tumawag ng pulong upang pag-isahin na lamang ang dalawang pangkat na nasabi at humirang ng mga magsisi-pamuno sa Pamahalaan ng Himagsikan. Sa pulong ay si Jacinto Lumbreras ang unang nangulo, at pagkatapos, nang gagawin na ang halalan ay si Andres Bonifacio ang pinapangulo at kalihim naman si “Vibora” (Heneral Artemio Ricarte). Bago magha-lalan ay nagsalita si Andres Bonifacio at hiniling sa kalahatan na sinomang mahalal ay dapat kilalanin at igalang. Nang gawin ang halalan ay si Hen. Emilio Aguinaldo ang nagwagi, noo’y hindi kaharap sa pulong, laban kay Andres Bonifacio at Mariano Trias. Nang gawin naman ang paghahalal ng pangalawang pang-ulo ay si Hen. Mariano Trias ang nagtagumpay laban kina Andres Bonifacio, Severino de las Alas at Mariano Alvarez. Sa pagpili ng Kapitan Heneral ay si heneral Artemio Ricarte ang nahirang laban kay Heneral Santiago Alvarez. Ang nahirang na maging Direktor de Guerra ay si Heneral Emiliano Riego de Dios laban kina Ariston Villanueva, Daniel Tria Tirona at Santiago Alvarez. Dahil sa malalim na ang gabi ay dinaan na lamang sa pagtata-yuan ang paghirang sa Sekretario del Interior at ang nagwagi ay si Andres Bonifacio laban kina Mariano Alvarez at Pascual Alvarez.

Dito nagsimula ang gulo pagka’t si Daniel Tria Tirona ay tu-mindig at tumutol sa pagkakahalal kay Andres Bonifacio, sa matuwid na mayroong ilang may lalong kakayahan sa gayong tungkulin at ito’y si Jose del Rosario ng Kabite, kilalang mana-nanggol. Dinamdam ni Andres Bonifacio ang nangyaring pagta-wad sa kanyang kakayahan kaya’t ipinagunitang hindi lahat ng mga nahalal ay may kakayahan o matatalino at sinabi pa rin na bago maghalalan ay pinagkaisahan nila na sino mang lumabas ay kanilang kikilalanin at igagalang. Dahil sa si Daniel Tria Tirona ay patuloy rin sa pagtutol kaya’t sa yamot ni Andres Bonifacio ay iniwan ang pulong, kasama ng iba niyang mga kabig at sinabi sa kalahatan na pinawawalan niya ng kabuluhan ang kinalabasan ng halalan.

Sa sama ng loob ni Andres Bonifacio ay inisip na patuluyang humiwalay sa bagong kahihirang na pangkalahatang pamunuan ng Himagsikan, sa paraang magtatag ng bagong pamahalaan. Si Heneral Pio del Pilar ay kinausap ni Andres Bonifacio at inalok na siyang gagawing Heneralisimo o punong pangkalahatan ng Hukbong Naghihimagsik na sinangayunan naman. Nang isasa-gawa na lamang  ang bagay na ito  o  ang pagpipisan ng hukbo sa ilalim ng pamumuno ni Heneral Pio del Pilar ay hindi mala-man kung bakit si Heneral del Pilar ay nagbago ng loob. Du-mulog siya kay Heneral Emilio Aguinaldo at ipinagsumbong ang tangka ni Andres Bonifacio, kaya’t ang ginawa naman ni Heneral Aguinaldo ay nag-utos na sundan at ipadakip si Andres Bonifacio, pati ng mga kabig. Ako ang inaatasan sana upang dumakip kay Andres Bonifacio at sa kanyang mga kabig, nguni’t dahil sa pagkakaroon ko noon ng karamdaman, gawa ng isang daplis na tama ng punglo sa aking ulo na noo’y hindi pa gumagaling, ay sina Koronel Agapito Bonson, Jose Ignacio Pawa at Felipe To-pacio ang nagsitupad sa mabigat na gawaing ito. Inabutan nila si Andres Bonifacio sa Pasong Limbon, munisipio ng Indang, at doo’y nagkalaban, na ang naging wakas ay ang pagkakapatay sa isang kapatid ni Andres Bonifacio na si Ciriaco, at ang mga kawal naman ni Andres Bonifacio ay nakapatay ng isang sar-hento sa mga nagsisiusig na taga Imus at nagngangalang Antero. Nang mangyari ito ay ika 28 ng Abril ng 1897.

Dinakip si Andres Bonifacio at ang Kapatid Niya Umagang-umaga ng ika 29 ng Abril nang idating sa Naik, ang magkapatid na Bonifacio, na ang Andres ay nakaduyan at may sugat sa liig at ang Procopio ay wala ni gurlis sa katawan. Nag-kataon naman na noo’y may tinanggap na balitang sasalakayin ng mga kastila ang bayan ng Naik kaya’t ang ginawa ni Heneral Emilio Aguinaldo ay ipinadala sa Marigundong ang magkapatid na Andres at Procopio Bonifacio, kasama ang asawa ni Andres na si Ginang Gregoria de Jesus, na natatanurang mabuti ng mga kawal na sandatahan. Pagdating sa Marigundong ay nagtatag ng isang Sangguniang Digma na pinangunguluhan ni General Ma­riano Noriel at siyang naatasang gumawa ng paglilitis. Si Placido Martinez ang naging tagapagtanggol ni Andres Bonifacio at sa kanyang kapatid na Procopio ay si Teodoro Gonzales. Ang piskal ay si Jose Elises at ang “Juez Instructor” ay si Koronel Pedro Lipana.

Hinuwad ang Lagda ni Heneral Pantaleon Garcia Kung paanong ang pangalan ko’y napasangkot sa bagay na ito na ipinalalagay na siyang parang  “Juez  Instructor”  at pati ng lagda ko’y hinuwaran upang gamitin sa ilang kasulatan na tunay na wala akong anomang kinalaman, ay siyang hindi mawari. Kung ito’y kagagawang sarili ni Pedro Lipana na siyang tunay na “Juez Instructor” ay siyang hindi ko rin mabatid, gayon din naman kung ang pagkakasagawa niya nito ay may nag-utos sa kanya na isang punong makapangyarihan. Nang ilathala ni G. Teodoro M. Kalaw ang sipi ng mga kasulatang ito ay gumawa ako ng makailang pagpapabulaan sa mga pahayagan at ang ibig ko’y magpaliwanag ang mga nabubuhay pang may kinalaman sa mahiwagang pagkakapatay sa magkapatid na Andres at Procopio Bonifacio, nguni’t wala namang magkaroon ng lakas ng loob na maglahad o magsiwalat ng boong katotohanan, kaya’t ako’y lalong naniniwala ngayon na ang pagkakapatay sa magkapatid na Andres at Procopio Bonifacio ay tunay na nababalot ng malaking hiwaga. Dahil dito, ang ating masisipag na mananalaysay ay dapat mag-sikap sa pagtuklas ng boong katotohanan at nang ang bayan ay hindi maligaw ng landas, yamang sa kasaysayan ay walang dapat mapasulat kundi ang tunay na nangyari, na wika nga ni Andres Bonifacio ay dapat katakutan pagka’t sa kasaysayan ay walang nalilihim.

Hinatulang Barilin ang Magkapatid na Bonifacio

Ang naging hatol ng Sangguniang Digma ay barilin ang mag­kapatid na Andres at Procopio Bonifacio at ang kapasiyahang ito ay inilipat sa kamay ni Heneral Emilio Aguinaldo upang lagdaan. Noon naman, ang bayan ng Marigundong ay pinasimu-lan namang salakayin ng mga kastila hanggang sa kaming lahat ay naitaboy hanggang sa kabundukan, kaya’t hindi ko na nalaman kung ano ang nangyari sa magkapatid na Bonifacio, at nang ma-karaan ang isang linggo ay saka ko nabalitaan na binaril ang magkapatid na Bonifacio ng mga kawal na pinamumunuan ni Koronel Lazaro Makapagal. Nabalitaan ko rin naman na ang asawa ni Andres Bonifacio, si Ginang Gregoria de Jesus, ay lumapit kay Heneral Aguinaldo upang ihingi ng kapatawaran ang Andres at ang Procopio, nguni’t ang kaawawang babae ay hindi man lamang kinausap at pinagpakitaan ni Heneral Aguinaldo.

Kailangang isiwalat sa mga talang ito ang sa mula’t mula pa ay hindi mabuting pagkakaunawaan ni Andres Bonifacio at ni Heneral Emilio Aguinaldo. Si Heneral Aguinaldo ay binibin-tangan ng Andres na nakikipag-ututang dila sa mga kastila at ang Aguinaldo ay may gayon ding hinala sa Andres. Bago nangyari ang halalan sa Tejeros ay napatibayan ang kanilang hindi pagkakasundo pagka’t tuwing sasalakayin ng mga kastila ang mga lupaing sakop ng Sangguniang Magdalo, si Heneral Emilio Aguinaldo ay humihingi ng tulong at abuloy sa mga taga Sangguniang Magdiwang na kinabibilangan ni Andres Bonifacio nguni’t sina Andres Bonifacio ay nagkakait, gayong kung sila’y aabuloy o sasaklolo ay malapit na mapaurong ng mga manghi-himagsik ang mga  sumasalakay  na Kastila.


This Memoirs of General Garcia is almost unknown to many, for it was published in a Tagalog magazine of small circulation—the now de­funct Dalaga. The “Account” here reprinted in its original form is a condensation of the first pages of the typewritten copy that the present author has in his possession.