From The Revolt of the Masses: The Story of Bonifacio and the Katipunan, by Teodoro A. Agoncillo (Quezon City: University of the Philippines Press, 2002 [1956]).

Ng mapasok ng Kastila ang Silang, at ibap, nag pulong sa Hacienda ng Tejeros. Sa di magkamayao ang pagtatalo, ang pag iimbot ang umiral.

Ang G. Andres Bonifacio, lumayo rauna samantalang di pa nalilinawan; lilipad sia ng S. Mateo, gagawa ng mga Operaciones upang magbawas sa Cavite ang Hokbong Kaaway, isinagawa na nga, lumakad tinungo ang Yndang, humantong ng Nayon ng Lim-bon, dito’y nagaantay ng iba pang mga taga Pasig, Maynila, Bulacan.

Ng na iinip na si Don Andres sa pagaantay ng iba pang ka-samahang sa gayak, ay pinasiahang sa kinabukasan tayo ania tutulak, kaya’t pinasagunson na ang guia o tataguyod sa daan. Siang pagdating ni Cor. Jose Ygnacio Pawa at Cor. Yntong na may mga kawal, nag tuloy sa kay G. Andres Bonifacio, nag usap silang mahinusay at nananghale tuloy, at ng kinahapunang mag-ika 3 na naggayakan, na magdedescubierta kuno sila sa paligid-ligid.

Kinabukasang nagbubukang liwayway, sinabi ng Vigia (ito’y bantay sa itaas ng kahoy), “May tao po,” ang sagot ni G. Ciriaco Bonifacio, “Kilanlin ang ayos,” ng malalapit na, umulit, “ang kawal din pong kahapon,” ng pinapag hintay ng tanod at sasabihin muna, ay nagalit na, nagpaputok, may tinamaan sa ban-tayan, nagpaputok din, tuloy nilusob at pinatay ang G. Ciriaco Kap. ng Supremo, ng marinig ang putukan, ay nagulo ang Nayon, kaya’t nanaog ang Supremo na ang sabi, “Tumahimik kayo at mag kapatid yan,” lumabas siya na paakiat ng tulay na bato, si Cr. Paua ay nasa tulay na, at pinaputukan si G. Andres Boni­facio, tinamaan sa bisig sa kaliwa, sumugod si Cor. Intong sinak-sak ng tangang balaraw sa leeg yapos hanggang lupa, dito’y pi-nagsunggabanan sampo ng Kapatid na Procopio Bonifacio, ginapos pati mga kawal sahol sa lakas; at si Cor. Yntong sumalakay ng bahay ng familia ng Supremo sinamsaman hanggang may corta-plumang panghinuko at nilapastangan na pinaslang . . . sa harap ng Supremo.

Sa putukang narinig at sunggabang ginawa ng mga kawal Imus na lumusob, ay naka ilas akong bigla dahilan naman sa aking magiina na sumuot sa sukal, bahagia kong natunton ng hapon na, na di pa kumakain, inani ko na’t inayos pati ng damit na sumabog, nag pahinga muna kame. Patuloy ang kaaway ng pag-pasok ng bayan bayan, umalis kame’t sinundan ang karamihan parang sisiw na nawalan ng Ina, sunod-sunod hanggang Naik, di ako pumasok pagka’t minamanmanan ang mga kawal ng Supremo. . .


From an unpublished Memoirs. Compare this account with that of Bonifacio during his trial. The events related in this document square with those contained in Bonifacio’s testimony and with those related in Gregoria de Jesus’ letter to Emilio Jacinto. Considering that Francisco Carreon never had any conversation with Bonifacio after the incidents related, the law of probability gives Bonifacio’s account a certain degree of credibility and authenticity.