Talumpati sa City Hall ng Kaniyang Kadakilaang Jose P. Laurel, Pangulo ng Republika ng Pilipinas, sa mga Pangulong Pampurok ng mga Samahang Pangkapitbahay, Maynila, ika-5 ng Enero, 1944, sa ika-10 ng umaga.

GlNOONG ALKALDE, MGA KASAMAHAN, AT MGA KAPATID:

Unang-una, ibig kong pasalamatan kayong lahat, lalung-lalo na ang mga pangulo ng tina-tawag na “Neighborhood Association” o ng mga Samahang Magkakapitbahay sa inyong pagkakaparito upang tayo ay magkita at magkapanayam. Na-alman ko na totoong may kahirapan ang pumarito at na-alman ko rin na ang lalong matinding kahirapan ngayong panahong ito na halos ang ating mga kapatid at mga tauhan na naninirahan sa Maynila ay nagdaranas ng malaking hirap at kagutuman. Ako’y naparito, katulad ng sinabi ng mahal na Alkalde, upang makipagkita at makipagkilalang muli sa inyong lahat. Sapagka’t ang isang nasasa-katungkulan at namamahala ay dapat pagpilitang madama ang pangangailangan ng bayan, sapagka’t kung tunay na umiibig sa kaniyang bayan at nagdaramdam ng kahirapan na dinaranas ng kaniyang mga kababayan, ay dapat maipakilala niya ang kaniyang damdamin hindi lamang sa salita kundi sa gawa. At ang tunay na Pilipino na umiibig sa kaniyang bayan ay dapat ipakilala ang pag-ibig na iyan hindi sa panahon ng kaginhawahan, hindi sa panahon ng walang kahirapan, kundi ang tunay na may pag-ibig sa mga Pilipino at sa bayan ay dapat makita sa panahon ng kahirapan, hindi sa kaluwagan. Para sa mga tao na nasa gobyerno o sa pamahalaan, madali ang magsalita sa panahon ng kaginhawahan, sa panahon ng kasaganaan, madaling masabi natin ang pagtitinginan, kaipala’y madali silang magmahalan sa panahon ng kaluwagan at kasaganaan, ngunit sa panahon ng kahirapan, halos wala nang makain ang mga Pilipino, ngayon ko nadadama ang sapin-saping hirap ng aking mga kababayan, ngayon makikita ang tunay na Pilipino na nasasa-pamahalaan na gagawa ng tulong sa mga mamamayan upang maitaguyod ang bayan. At makikita rin ngayon ang mga masasama na nagdudulot ng kahirapan sa bayan. Itong dalawang bagay na ito ang siyang kadahilanan kaya’t gusto kong makapagsalita ng ilang kataga sa inyo. Unang-una, ang napakahirap na suliranin ngayon na kina-kailangang malunasan ng pamahalaang ito, sa pamamagitan ng tulong ng mga nasa pamahalaan at sa pamamagitan din naman ng mga mamamayang Pilipino, lalung-lalo na ng mga mamamayan sa Maynila, upang magkamayroon tayo ng sapat na makain, ang bigas na kinakai-langan ng tao, ang bigas na iyan, ang hindi ngayon malunasan ng pamahalaan. Ang kailangan natin ay bigas, ang kailangan natin ay makakain upang tayo’y makapagtawid-gutom. Ang salita ng Presidente o ng inyong Pangulo ay hindi makapagbibigay ng ano mang tulong upang makapawi ng inyong kagutuman, ang diskursong maganda ay hindi makapagdudulot sa inyo at sa bayan upang mapawi ang kagutuman. Nguni’t sa gitna ng mga pangyayaring iyan, alam kong hindi kayo mabubusog sa salita, kinakailangang malaman ninyo at upang maibalita sa inyong mga samahan na magkakapitbahay, na ang bigas at mais na kina-kailangan, ang gobyerno ay gumawa na ng mga hakbang na nararapat gawin upang ang mga galamay ng pamahalaang iyan o ng mga kasangkapan na maaaring gamitin ng ating pamahalaan sa pagkuha ng bigas na iyan ay maisaayos upang ang mga pangyayari ay huwag masyadong maging pahirap sa bayan, subali’t gusto kong paratingin sa inyong mga puso kung ano ang mga iniisip ng pamahalaang ito sa paghihirap at kagutuman ng mga mamamayan lalung-lalo na ang mga nanini-rahan sa Maynila.

Noong araw na hindi pa naitatatag ang ating republika, na kasalukuyang ang pamahalaan o pamamahala ng Administrasyon Militar, at ang kapangyarihan ay wala pa sa kamay ng mga Pilipino, at bagaman noong panahong iyon ay naroroon pa sa ibabaw ng ulo nila ang ma-lakas na kapangyarihan ng Hapon, sapagka’t sila ang nagtagumpay sa labanan na idinaos sa ating bayan, ang pagkakasapi ng mga Pilipino sa Administrasyon Militar na iyan ay dahilan sa isang mabuting inakala ng mga Pilipino na sa pamamagitan ng pagkakaintindihan, sa pamamagitan ng pagsapi at pagtulong sa Administrasyon Militar, ay magbubunga kundi man noong panahong iyon, sa nilakad-lakad ng panahon, ay biyaya ang maaaring kamtan ng mga Pilipino pagkatapos na malupig ang mga Amerikano at wala ng lakas ang mga Pilipino upang magpatuloy pa sa mga paglaban sa Hapon na nagtagumpay sa labanan. Hindi nagkamali na sumama sa Administrasyon Militar ang mga Filipino, sapagka’t unti-unting, sa pamamagitan ng tigas ng loob at talino ng mga Pilipinong nasasa-pamahalaan noong panahong iyon, nagkamayroon tayo ng unti-unting kapangyarihan sa pamamagitan ng mga Pilipinong iyan. Bagama’t mahirap na gawin ang magpunta sa Imperyo ng Hapon noong mga panahong iyon upang maihatid ang tunay na damdamin natin, ay ginawa namin, at ang lahat ng iyon, ay nagbunga ng mabuti hanggang sa matatag ang pamahalaan nating sarili na tinatawag nating Republika ng Pilipinas, na ang kaniyang Presidente o Pangulo ay ako nga.

Ang bigas noon ay pinamumudbod sa mga tao sa pamamagitan ng NARIC. Ang NARIC ay hindi nasasakupan ng gobyerno o ng pamahalaan natin, sapagka’t ito ay isang kasangkapan ng Administrayon Militar upang sumunod sa pamamahala ng nasabing Administrasyon Militar. Hindi kaila sa inyo na ang ating Republika ay batang-bata pa. Iyan ang pinagpilitan namin na mapasailalim at sumakamay namin ang mga kapangyarihang iyan na kina-kailangan ng bayan at upang makapagdulot sa bayan at malunasan ang sapin-saping kahirapan na dinaranas ng bayang ito. Ang NARIC ay ibinalik sa ating pamahalaan na wala pa halos dalawang araw, nguni’t sa mga balitang dumarating sa tainga ko at ayon sa balita, ay hindi mabuti at sa pagkakikala ko, ang NARIC ay hindi na maaaring gawing kasangkapan ng ating gobyerno upang makapagbigay ng gin-hawa sa mga tao at mapawi ang kagutuman. Una, sapagka’t isang kasangkapan ng Administrasyon Militar, na pinalalagay ng marami na isang kasangkapan lamang na ginagamit upang mabigyan ng bigas ang mga Hapon, at hindi makapaglilingkod sa mga Pilipino. Iyan ang sinasabi ng ating mga kababayan sa pamamagitan ng mga balita, at kaipala’y hindi maaaring gawin nating kasangkapan sa Pamahalaan ng Republika ng Pilipinas.

Ikalawa, sa NARIC ay marami ang mga kabalbalan na ginagawa hindi lamang ng mga Pilipino kundi pati na ng mga Hapon. Mga kababayan, hindi ko tatanggapin ang isang kasangkapang marumi upang maging pahirap sa aking mga kababayan, kung na-alman ko na, na ang NARIC ay hindi mabuting kasangkapan dahilan sa kabalbalan na nangyayari, at sa aking paniniwala hindi na makapagdudulot ng ginhawa sa aking bayan, katulad ng isang sa-ging o mansanas na ibinigay sa akin na bulok, katungkulan kong hindi itago iyang saging o mansanas na iyan, kinakailangang itapon ko iyan sa gitna ng daan. Sa ganitong paraan, sa pagsisikap natin, nagka-mayroon tayo ng isang kasangkapang tayo ang mamamahala. Hindi kaila sa inyo ito at nabasa ninyo sa per-yodiko ang isang katotohanan na pagkatang-gap ko sa NARIC. Nagtayo tayo ngayon ng isang sarili nating kasangkapan ng Republika. Gusto kong ibalita ninyo sa ating mga kababayan na ito ay atin. Bigas natin at para sa mga Pilipino lamang, na hindi na makikialam ang mga Hapon sapagka’t hindi katwiran ng mga Hapon na maitawid sa kagutuman ang mga Pilipino upang huwag silang mangamatay. Kaya’t huwag nating bigyan ng kasalanan ang ating pamahalaan sapagka’t masama ang NARIC ay masama na rin ang ating pamahalaan. Kayo mismo na nandito sa Siyudad ng Maynila, kayo na nalalaman ninyo ang ipinangako ko, at kung kailan lamang ako naging Pangulo. Bibigyan natin ng kaunting panahon pa ang inyong Pangulo, na sarili ninyong kababayan, na pinagpipilitan na makagawa, huwag ninyong asahan na ang paggawa ng mga bagay na ito ay parang isang kisapmata lamang, dalawang linggo o dalawang buwan man. Ang lahat ng siiliraning pambansa ay bigyan natin ng kaunting panahon sa pagsasagawa. Nagtayo na tayo ng isang Palabigasang-Bayan, at kung kinakailangan na bigyan ng ibang ngalan ang itatayo nating iyan at hindi na NARIC, ay ating gagawin. At kinakailangan din na sa kasang-kapang iyan, walang makapangyarihan kundi mga Pilipino lamang, kinakailangang makuha ang bigas sa lalawigan upang ang bayan o mga mamamayan ay makapagtawid-buhay, kinakailangang sa kasangkapang iyan, ang mga tauhan, ang mabuting pagpili sa mga tauhan sa Palabigasang-Bayan na iyan, ay mga taong may tunay na pag-ibig sa bayan na higit sa pag-ibig sa bigas at sa salapi. Sa pamamagitan ng pamahalaan, ay mamimili ng bigas na kinakailangan ng bayan upang mabigyan ng lunas ang paghihirap ng bayan. Sa gitna ng Luson o sentro ng Luson, sa Bulakan, Kapampangan, Nuweba Esiha, Pangasinan at Tarlak, diyan sa mga lalawigang iyan, nag-aani taon-taon kundi nagkakaroon ng dahilan o masama ang panahon, 24 na angaw-angaw o 24 na milyong kaban ng palay sa isang taon ang naaani sa limang lalawigang iyan at 18 angaw-angaw o 18 milyong kabang palay kung mayroong kadahilanan. Sa Maynila ang kinakailangan lamang ay 2 angaw o 2 milyong kaban ng bigas o 4 na milyong kabang palay. Samakatwid, nalalaman ng mga taga-lalawigan at nalalaman ng lahat na doon ay may aning 18 milyong kabang palay at makukuha natin doon ang labis na ani nila na hindi nila kailangan sa alin mang lalawigan ng sentro ng Luson na iyan. At ang mga taga-lalawigan nabanggit ko na, ay walang ano mang katwiran na ipagkait ang bigas na hindi nila kailangan at dapat ibigay sa mga namamatay ng gutom kundi magkaroon ng bigas. Kaya’t ang iniisip ngayon ng pamahalaang ito, ay alamin kung gaano ang bigas na inaani ng bawa’t lalawigan sa sentro ng Luson. Huwag na nating banggitin pa ang naaani sa Nuweba Biskaya at sa Mindanaw, iyan na lamang ay bastante na sa Maynila. Samakatwid, kung ipinalalagay natin na isang (1) milyong

kaban ang palay na naani sa Lalawigan ng Tarlak at ang Tarlak ay may 100,000 tauhan at ang Tarlak ay nag-aani ng isang (1) milyong kaban at may tauhan na 100,000, palagay ko’y sapat na ang 500,000 kaban sa kaniyang mga tauhan o ang kalahating milyon para sa kanila. Samakatwid, iiwan natin sa kanila ang kalahati o 500,000 kabang palay upang sila ay may makain at upang huwag magdanas naman ng kahirapan ang mga taong nasasa-ibang pook. Ang 500,000 kaban na hindi nila kailangan ay ipadadala sa Maynila. Nguni’t kung ang kanilang nais, na ang labis na 500,000 kabang palay na hindi na nila kailangan ay gusto lamang nilang maging “profiteers” at gustong magawa nang kuwalta, at gusto lamang ng mga taga-Tarlak na makalikom ng maraming salapi, iyan ay ipagbabawal ng pamahalaan sa pana-hong ito, at walang karapatang mag-ipon sa sarili at hindi tumulong ang sino pa mang Pilipino sa mga naghihirap at namamatay sa gutom ang kanilang mga kababayan. At kung aming gagawin sa Tarlak iyan, gagawin din namin sa bawa’t lalawigan na nabanggit. Ngayon, hindi totoong madaling isagawa itong bagay na ito, madaling sabihin ang 500,000 kabang palay o 1,000,000 kaban na ani sa Tarlak, nguni’t itong palay na ito ay kukunin pa sa Tarlak. Gagawin ito na hahatiin ang kanilang ani at upang huwag namang magutom din ang mga taga-Tarlak. Sa Tarlak kailangang magkaroon ng isang organisasyon na mamamahagi sa bigas na iyan, sapagka’t mayroon ding mga tao roon na mayroon nang maraming bigas, ipalagay natin ay 10 kaban, gusto pa ng 20 kaban at kung minsan ay walang katapusan, mayroon din namang mga masasama at ma-bubuti roon. Doon ay marami rin ang maralita at hindi matitigas ang mga kamao, at kung hindi magkakaroon doon sa Tarlak ng isang kapisanan na mamamahagi sa bigas ay marami ang magugutom kaya’t huwag nating pahintulutan ang mga malalakas ang kamao o yaong mga may salapi, at marami ang magugutom. Sa pamamagitan ng kapisanang Palabigasang-Bayan, titingnan na ang 500,000 kaban ay maipamumudbod sa lahat ng mga naninirahan sa Tarlak. Ngayon, mayroon ng palay at mayroon ng inaani. Hindi sapagka’t naroroon ay makakain na natin, kinakailangang dalhin dito. Kinakailangang maintindihan at maalaman natin na may mga komunista riyan, mga “guerrillero” at may mga tao rito sa atin na hindi pa nagkakaroon ng mabuting pagkakaintindihan sa ating pamahalaan at ang ating tagakuha ng bigas ay hindi makapunta roon upang madala rito sa Maynila ang bigas na iyan. Iyan ay isang suliranin na kinakailangang maikita ng lunas ng ating pamahalaan. Tinawag ko ang mga may-ari ng mga lupain sa mga lalawigan at malakas na sinabi ko sa kanila na ang ibabayad sa isang kabang palay ay inaakala kong sapat na. Tinanong ko ang mga may-ari ng palay, ano ang nararapat, hindi ba katamtaman na ang ibabayad na ito? Mayroong nagsalita, hindi raw maaari, totoong mababa. Ang tanong ko, bakit nalulugi ba? Hindi po lugi, hindi pala lugi, at kung hindi nalulugi, eh di kainaman na iyan, ang sabi ko. At kung kayo man ay nalulugi, kayong may-ari ng mga lupain sa lalawigan, sapat na ang walong piso (P8) ang bayad, at kung kayo’y tunay na Pilipino, dapat ninyo kaming bu-hayin at kung maaari hindi na ninyo ipaba-bayad. Kung hindi, kukunin namin ang inyong palay, wala pa kayong P8, wala pa kayong palay. Sapagka’t sa papaano mang paraan magtatawid ng gutom ang mga mamamayan at upang maitaguyod ng pamahalaan ang kahirapang ito, lalung-lalo na ang mga mahihirap at hindi makabili ng bigas at walang lakas sapagka’t sa kanilang mga pawis lamang kumukuha ng pagkabuhay sa kanilang sarili at sa kanilang mga anak. Ang sabi sa akin nila ay komporme po kami. Ang isa roon ay si G. Gabaldon. Ang sabi sa akin ay ganito: Mayroon siyang 170,000 kaban, ibinibigay ko po sa pamahalaan, aniya, itong 170,000 kaban, kung mayroong ibabayad ay bayaran at kung wala naman ay huwag nang bayaran, kayo na ang bahala. Kaya’t naroroon ang palay sa Gimba at sa iba’t ibang bayan ng Nuweba Esiha. Kukunin ng ating pamahalaan ang palay na iyan. Nguni’t hindi kukunin ng aero-plano na maaaring makarating dito sa isang kisapmata lamang. Kailangan natin ang tras-portasyon upang makuha natin iyan, kailangan natin ang kostabularyo na lumaban sa mga “guerrilla” upang makuha natin iyan. Ang gusto ng mga kapatid nating namamali pa ang paniniwala na gaya ng mga “guerrilla” ay huwag makarating sa Maynila ang palay na iyan. Kung may dugo silang tunay na Pilipino, matitiis kaya nila na ang rnga kapatid nila ay mamatay ng gutom at sila na lamang ang mabuhay? Ang lahat ng puwersa ng Kostabu-larya sa sentro ng Luson ay apat na libo (4,000) at kung wala pang kakayahan iyang Kostabularyang nasasa-sentro ng Luson ngayon sapagka’t kakaunti lamang, mapipilitan akong humingi ng tulong sa Ehersito ng Hapon, kahit na ako’y paalipin, maipagtawid-buhay ko lamang ang aking mga kababayan. Ako’y umaasa na bagaman ang sinasabing mga “guerrilla” ang ninanais nila ay ganoon, kung sila’y tunay na Pilipino, mga kababayan, ang ating Pmag-uusapan ngayon ay ang pagtatawid-buhay ng mga Pilipino rin na kapatid nila, nindi na ang pag-ibig o pagmamahal sa Hapon o Amerikano, kung hindi ang pag-ibig natin sa Kapuwa Pilipino rin at ang pag-ibig sa ating sanii Kung madadama nila ang kahirapan ng mga Pilipino rito sa Maynila at kung madadama nila ang aking pagpupuyat upang malu-nasan ang bagay na ito, at kung ano ang iniisip ko kung paanong malulunasan ang kahirapang ito ng mga Pilipino rito sa Maynila, at iba pa, ako’y may pag-asa na kaipala’y sa kanilang pag-iisa, maiisip nila ang gatas na sinuso nila sa kanilang magulang, sa kanilang mga ina at ang pangaral ng kanilang mga asawa, ako’y may pag-asa na hindi bibigyan ng balak sila, ang balak ng pamahalaang ito at ang palay at bigas na makapagtatawid-buhay sa mga Pilipino ay kanilang aalpasan. At kung sila naman ay walang damdamin sa kapuwa Pilipino, pagka-tapos ng “amnesty,” ang panahon na itinakda rito, pagkatapos na ako’y makapanalangin sa Poong Maykapal na liwanagan ang aking isip, kukunin natin, kundi sa paupo, lakad o dili kaya sa tigas ng buto, ang palay at bigas na iyan sa pamamagitan ng Kostabularya na ngayon ay nasasa-sentro ng Luzon, makukuha natin ang bigas at palay na iyan upang makapag-tawid-gutom sa atin dito sa Maynila.

Marahil inyong itatanong sa akin na, ano ang gagawin naman ninyo, G. Pangulo ng ating Republika, habang kinukuha ang bigas sa gayong walang makain kami ngayon? Han nang araw na walang distribusyon, kaming mga mahirirap ay hindi makabibili kundi iyon lamang mga may salapi. Ano, G. Pangulo, ang gagawin ninyo sa suliraning ito, kami’y komporme sa mga pangako ng mga lalawigan, nguni’t paano kaming walang makain, sapagka’t hindi kami binibigyan ng pamahalaan ngayon? Ito ang kadahilanan na kung bakit sa pamamagitan ng aking kaibigang katulad ng Alkalde ng Lunsod ng Maynila, kaya kayong lahat ay inanyayahan dito upang pagpulungan natin at upang masabi ko naman ang dapat gawin natin sa loob ng maikling panahon na hindi pa makakarating ang bigas at wala akong maisip na isang kasangkapan na makatutulong sa aking mga tauhan sa gobyerno kundi kayo nga, mga taga-Neighborhood Association.

Una, ang gusto kong sabihin sa inyo tayo rito sa Maynila ay totoong marami, marami ang pumaparito, darating ang panahon na patong-patong na tayo rito . . . araw at gabf patong-patong na tayo . . . natawa kayo, walang bagay naman iyan. Ayon sa G. Alkalde, noong araw bago magkamayroon ng digmaan, may mga 800,000 lamang tayo rito sa Maynila, at ngayon 1,200,000, 400,000 o 500,000 tao ang na-dagdag. Gusto ng Pamahalaan at ayaw na-mang alisin at iginagalang ang karapatan ng bawa’t mamamayan sa ating Saligang-Batas o Konstitusyon, iginagalang at kinikilala at ipag-tatangg’61 ang karapatan ng bawa’t mamamayan, nguni’t ang karapatan o kapangyarihan ng bawa’t mamamayan ay nasasa-ilalim ng kapangyarihan ng kabutihan ng lalong nakararaming mamamayan sa ating pamahalaan. At maraming mga taong narinto sa Maynila na kaipala naman ay walang gmagawa rito at kung may ginagawa man, sila naman ay mga taong hindi totoong kailangang magtira rito at pumarito lamang dahilan sa “guerra” at hmdi tumutulong at hindi nakakatulong sa bayan, kung maaari na inyong paalalahanan na hindi sapagka’t ipinagkakait natin ang Maynila, na kung sakali ang kanilang mga bisig o tulong, ay magamit sa pagtatanim ng palay o kamote man lamang. Hindi sa ipinagkakait natin sa kanila ang Maynila at bakit? Ngayon, ay pa-tuloy pa ang digmaan, maaaring sa pagsasa-mahan natin dito at pagkakaipon natin dito sa Maynila, ay pumatak ang bomba. Sino ang makapagsasabi kung tayo ay marami at siping-siping araw at gabi, . . . kung tayo ay maraming totoo sa Maynila, ay tamaan na lamang ng bomba. Kailangang alamin natin ang panahon, tayo ay huwag masyadong sama-sama sa isang lugar, kung maaari ay maghiwa-hiwa-lay muna tayo, hindi ang gusto kong sabihin sa isang pamilya, iyong mga taong hindi lub-hang kailangan nila ang pagtira rito sa Maynila, ay umuwi muna, maaaring makaluwag sila sa atin kung ang mga 400,000 tao ay umuwi sa mga lalawigan. Darating ang panahon o darating sa atin iyong tinatawag na “cuestion de sanitacion publica,” ang “salud,” sa panahong ito, mahirap ang kagamutan, walang gamot at kung mayroon man ay nasa “hoarding,” at mataas ang halaga. At kung tayo ay walang gamot dito, mabuti na sa pro-binsiya maaaring makakuha ng dahon ng “ala-gaw” o anomang dapat na ipaggamot at pag-aaralan pa tuloy ang paggawa ng mga gamot upang maidulot na lunas sa mga kasakitan. Ang tinatawag na “problema social” ay isa pa at dumarami ang ating mga “night club,” dumarami ang mga bagay na katulad ng mga “night club” na hindi ko masasabi kung ano ang ngalan, nagiging osiyoso ang mga tao rito sa Maynila. Sa panahon na walang gamot, ang kontrol na tinatawag ay nararapat itatag ng isang pamahalaan kung ang kontrol na iyan ay mayroong makokontrol. Ang katulad na tinatawag na kontrol ay ang pagkuha ng isang kinakailangan sa buhay, “articulos de primera necesidad” o “prime commodities.” Gumagamit ng kontrol ang pamahalaan upang sa pamamagitan ng kontrol na iyan ang mga unang kailangan ay maipamudmod, maipamahagi sa mga tao at sa ganitong paraan ay mabuhay ang mga tao. Nguni’t kung ang pamahalaan ay wala niyang ipamumudmod, ano ang kasaysa-yan ng kontrol, . . . naloloko.

Ibig kong ibalita sa inyo na ang pamaha-laang ito ay naghihirap, halos araw-araw ay nakikipagsigawan sa mga matataas na mga Ha-pon na naririto, sa mga matataas na pinuno ng Ehersito o sa Embahada, sapagka’t walang ka-saysayan ang pamamahala ng isang nangungulo kung hindi magawa ang dapat niyang gawin, at hindi naman makakagawa ng mga bagay na kung ang mga kasangkapan na gagamitin ay wala sa kamay pa ng ating pamahalaan, katulad ng “Perokaril,” hindi lamang ang NARIC ang dapat ibigay, ibigay din at dapat suma-kamay din ng republika ang “Perokaril.” At ang sabi ko, ano ang kasaysayan ng Pangulo kung sa ngalan lamang? At hindi makapag-dudulot ng biyaya sa bayan? Nguni, hindi ako o hindi maaaring matawag o gawin ako ng “puppet” lamang ng Hapon o ng sino man. Ipipilit ko ang mga bagay na dapat gawin sa ikabubuhay at ikabubuti ng aking bayan.

Maraming bigas, palay, hindi naman mapuntahan doon, kinakailangan ang tren o trak, at kung trak naman ay walang alkohol, dapat ibigay din sa atin iyan. Ang sabi nga: hinay-hinay, huwag masyadong matulin at mabilis. Kinakailangan ngayon, sa Maynila gaano ang nasasa-pamahalaan na bigas ngayon? Anim na libong kaban lamang. Kung ito ay irarasyon na katulad ng dating pagrarasyon, isang araw lamang iyan. Iyang 6,000 kabang bigas na iyan, sa pamamagitan ng paghihirap namin, ni G. Sanvictores at G. Sabido, na pinag-isipan na mabuti, iyang 6,000 kabang bigas na iyan, nahahandang ipamudmod lamang sa mga mahihirap na walang totoong makain. Sapagka’t ang mga mahihirap ay hindi maaaring makabili ng bigas sa mataas na halaga. Ngayon, may karapatan ang bawa’t isa sa inyo na makakuha ng bigas buhat sa lalawigan na isa nang isang kaban bawa’t isang tao, kung gusto ninyo kumuha kayo ng bigas araw-araw isa nang isang sako at dalhin dito upang ang mga tauhan ninyo ay makapagtawid-buhay hangga’t hindi naisasagawa ang pagdadala rito ng bigas at ng mga palay na nasa-lalawigan ng sentro ng Luson. At kung ipagbibilin ng Pangulo ng Pamahalaan na dalhin dito sa Maynila ang bigas na iyan at hindi makarating dito dahilan sa pagtutol ng mga kapatid natin sa sentro ng Luson, at talagang wala ng remedyo kundi magkagutom ang mga taga-Maynila, masasabi ko sa inyo na ang inyong Pangulo ay mamamatay sa gutom dito, na kasabay ninyo, at hindi ako aalis sa aking katungkulan sapagka’t ako’y walang magawa at wala akong sinasabing komo lider ng bayan, at walang magawa upang makapagtawid-buhay ang mga mamamayan, maging bangkay na ako at kasama ninyo mga kababayan sa pagkamatay. Kaya’t mga ginoo, tulungan ninyo ako, sapagka’t hindi ako lamang ang may pamahalaan nito, hindi ako lamang ang may bayan nito, bayan nating lahat, hindi lamang ako ang Pilipino na may katwirang maglingkod sa bayan, kaya’t mga kababayan, alamin ninyo na hindi ko ninais ang pagka-Pangulo, kung ako ma’y nandirito, ay sapagka’t naatasan lamang ako upang mangulo sa bayan, at ang pag-ibig, pagmamahal at pagpapakamatay dahil sa bayan, ay hindi katwiran lamang ni Laurel kundi katwiran ng bawa’t Pilipino rito sa bayan natin.

At sa wakas, mga kababayan, inuulit ko ang aking pasasalamat sa pagdalo ninyo rito sa ating kapulungan. Kung bagaman marami sa inyo kaipala’y ang may gustong makipag-usap sa akin at ako ay hindi makausap, sa dahilang wala akong panahon at ako’y kulang na kulang sa panahon, sa katotohanan ay kulang na ako sa pagtulog, sa pagkain, dahilan sa pakikipag-usap at pakikipagtalamitan sa matataas na mga pinuno ng mga Hapon, at karapatan ko ang ipagtanggol ang bayang Pilipino komo Pilipino, kaya’t kung kayo ay may kailangan sa akin at kung ibig ninyong ipabatid sa akin ang isang bagay na inyong kailangan, ako ay nagtayo ng isang “Public Relations Officer” sa Malakanyang na si Koronel Telesforo Martinez, Chief of Staff noong araw o Pinuno ng Kostabularya, at sa iba’t ibang lugar dito sa Maynila naglagay ako ng isang “box” na ma-aaring ihulog ang inyong sumbong o gustong sabihin sa akin kung kayo ay nahihiyang ma-kita ang inyong mukha o kundi naman, makipag-usap kayo kay Koronel Telesforo Martinez at sabihin ninyo ang sumbong ninyo o ang sumbong ng bayan.

Gusto kong paratingin sa inyo at sa bawa’t mamamayan, na ako’y hindi interesado sa pagka-Presidente, hindi ako naghahangad ng glorya sa buhay ko, kundi kinakailangan ko ay ibigay ko ang aking paglilingkod sa ating bayan at hinihiling ko sa Poong Bathala na hindi bibigyan ng balaksila ang aking pag-tupad sa aking tungkuling pagka-Pangulo ng Republika ng Pilipinas. At kung mayroon mang nagtangkang pumuti sa buhay ni Laurel, ay hindi kinamtan ang kamatayan, sapagka’t hindi pahihintulutan ni Bathala na mamatay ang isang tunay na tumutupad sa kanyang katungkulan. Na-alman ko na sa oras ng aking kamatayan, makikita ko ang bandila ng ating bayan, nag-iisa at nagsosolo sa Pilipinas na bayan nating mahal.

Source: Office of the Solicitor General Library