Talumpating binigkas ng Kanyang Kadakilaan, Jose P. Laurel, Pangulo ng Republika ng Pilipinas, sa loob ng Malakanyang nang gawin ang pamumudmod ng mga dami’t sa mga kaanak ng mga kostabularyo, alang-alang sa Kaarawan ng mga Kostabularyo, ika-4 ng hapon, nang ika-4 ng Mayo, 1944.

MGA KAPATID AT MGA KABABAYAN:

Upang ang isang bansa ay maging tunay na bansa, maging malaki, malaya at masagana ay nangangailangan na ang kanyang mga anak, lalung-lalo na ang mga lalaki ay handa sa lahat ng oras na maglingkod sa Bayang Tinubuan. Sa ating magandang kapalaran, bagaman tayo’y isang bansang maliit, ay isang Republika na ngayon. Ang Republikang ito ay may mga ilang buwan pa lamang na natatatag. May kapalaran ang Bayang Pilipino at ang kanyang mga mamamayan na magkaroon, hindi lamang ng mga lalaki kundi pati mga balae na sa dakilang kasaysayan ng ating maliit na bayan ay makapagbigay ng karangalan, kapurihan at kadakilaan sa ating lahi. Nagkaroon tayo ng isang Bonifacio at sa kanyang sigaw, ang mga pilipino ay nagbangon at sumama sa kanya sa pakikilabang tungo sa pagkahiwalay sa kapangyarihan ng mga kas-tila; ang pagnanais ng mga bayani ng ating kalayaan noong panahong yaon ay buhay na buhay at masidhi hanggang sa mga oras ito. At pagkatapos ng himagsikan noons at ’98, ang magigiting nating mga lalaki sa buong pusong pagtulong ng mga bayani natine mga babae, ay di nagdamdam ng kapaguran at ang nais na maitatag dito ang isang pamahalaan ng mga pilipino at para sa mga pilipino ay natupad at naitatag kahit na sa kakaunting panahon lamang sa Malulos. At sa panahon ng mga amerikano, ang mga pilipino’y di rin pinanlamigan ng sigla sa kalooban at sa pagmamahal sa sariling bayan ay pinapag-ibayong lalo ang mga pagsisikap at pakikitunggali upang lumaya at magsarili.

Itong araw na ito ay Araw ng Kostabularya. Ang Pamahalaan ay walang inaasahang ka-sangkapan, kapanalig at lakas kundi ang mga lalaking magigiting na bumubuo ng Kosta-bularyang iyan. At sa pag-asa ng ating Pamahalaan at ng ating Republika na kung papaanong ang kalooban ni Bonifacio sa panahon ng ating himagsikan noong ’96 at ’98, kung papaano ang pag-ibig niya sa Bayan at sa Ka-layaan, ay gayon din ang damdamin ng mga lalaki ngayon at ng mga babaing nagkaroon ng kapalarang mabuhay sa panahong ito. Na kung ang mga bayani noong nakaraang panahon ay hindi nagkaroon ng kapalaran na makitang humahalik ang ating bandila sa himpapawid, sa pamamagitan ng Kostabularya, ang mga anak natin, na mga kapatid ng ating mga bayaning iyan, ang siya ngayong nag-tatamo ng mga biyaya ng Republika na sa unti-unting paghakbang ay ating mapalalago sa habang panahon upang maisulit sa hinaharap sa ating mga anak at sa anak ng ating mga anak. Upang sa ganitong paraan, kung di man natin mapitas ang hinog na bunga ngayon ay matiyak man lamang natin ang pag-asa na kung tayo’y patay na, ang Kalayaang ating pinagkamatayan ay mananatili sa kamay ng ating mga anak, at sa pamamagitan ng ating halimbawa ay matiyak din naman na sila’y magpapakamatay kung kinakailangan para sa ating bayan at kung sila’y tunay nating mga anak ay di nila pababayaang mawala at malipol ang kapalaraang ito upang pakinabangan ang Republika na pinaghirapan ng katakut-takot na mga nagpamana sa kanila. Maaaring ang kawal ng Kostabularya ay hindi nagtatamo ng kaginhawahan ngayon sa paglingkod sa ating Pamahalaan dala ng kahirapan ng panahon, dahil sa kasalatan ng ating Republika, sapagka’t ito’y mga araw ng pagdadahop gawa ng digmang naglalatang sa buong bansinukob; nguni’t ako’y umaasa na di lamang mahal sa mga pilipino ang Kalalayaan sa gitna ng kaginhawahan kundi lalo pa ring mahal sa gitna ng kasalatan, sapagka’t ang tunay na nagmamahal sa Kalayaan ng bayan ay lalong pinag-aalaban ng apoy ng pag-ibig sa panahon kahirapan kay sa panahon ng kaligayahan. ga gitna ng kaginhawahan at sa gitna man ng kahirapan ay umaasa ako na ang mga kawal ng Kostabularya ay siyang magiging kanang kamay ng ating Pamahalaan. Katulad nang sinabi ko kaninang umaga na ang Kostabularya ay itinatag hindi upang magpahirap sa bayan o makapinsala kaya kundi upang maging isang kasangkapang tunay, di lamang sa pagpapatahimik at pangangalaga sa bayan, kundi sa pagiging handa sa bawa’t sandali upang maipagalang ang Watawat at ang karangalan ng Republika. Inaasahan ng Pamahalaang ito na hindi lamang mga kawal ng Kostabularya kundi gayon din ang buong bayan—ang mga tapat sa Pamahalaang ito— sapagka’t ang Pamahalaan ngayon ay Pamahalaan nating lahat. Inaasahan ng Pamahalaang ito na walang pilipino na magsisindi ng dalawang kandila, isa ay para sa Diyos at isa naman ay para sa diyablo. Isang kandila lamang ang dapat isindi ng tunay na pilipino, ito ay para sa larawan ng Inang Pilipinas, na nanganga hulugan ng paggalang at pananampalataya sa kanya. Maaaring sabihin na tayo ay walang kaluwalhatian ngayon sa pagtamo ng Kalayaan nating ito. Ang ibig kong sabihin sa isang kandila lamang ang ating dapat na isi-sindi ay ito: hindi tayo magsisindi ng kandila sa alin pa mang bansa, ang tanging kandilang ating isisindi ay para sa isang watawat lamang, sa ating watawat, upang mapadakilang lalu’t lalo ang ating Inang Pilipinas. Sa gitna ng ating kahirapan at sa gitna ng kahirapan ng ating Pamahalaan ay pinagpipilitan ng inyong Pangulo’t ng kanyang mga kasama sa Pamahalaan na sa araw na ito ng Kostabularya ay makapagbigay ng munting kaya ang Pamahalaan; nguni’t maliit na halaga man ang makikita ninyo sa kapirasong damit na ipamamahagi, upang maipakilala na hindi kayo nalilimot ng Pamahalaan, ay mangyaring tanggapin ninyo hindi na sa halaga kundi sa tunay na kahulugan. Kung may kaya lamang ang Republika natin at kung maaaring makakuha o makaipon ng ano man para sa inyo rito sa Maynila, lalo na kung bigas o salapi kaya na maaaring ipamudmod sa taumbayang naghihirap, maaasalian ninyo ang inyong Pangulo na humaharap sa inyo ngayon, ang Pamahalaang. Ito at ang Panguluhan niya, ay kukuha’t mag-upon sa Malakanyang sapagka’t walang kasaysayan ang Republikang ito kung hindi nahahandang tumulor.g at hindi makapagbigay man lamang ng isang gatang na bigas sa mga mamamayan at maipamudmod sa mga nangagailangan katulad nang mga kaanak ng bawat kawal ng Kostabularya. Hindi naman ang ibig sabihin nito’y higit na mahal kayo ng Pangulo kay sa iba, hindi, lamang, ay sa pagka’t ang kawal ng Kostabularya’y siyang nagbibigay kapurihan at siyang inaasahan ng Pamahalaan na makapagtataguyod sa oras ng pangangailangan sa ikatitiyak ng maipamamana natin sa ating mga anak na isang wagas at tapat na pagmamahal sa ating Bayan. Iyan ang dahilan kung bakit ako’y totoong natutuwa sa aking pagka-Pangulo sa hapong ito sa inyong pagkaparito sa Malakanyang upang makapagsalita sa inyo ng mga ilang kataga. Sa pamamagitan ng mga ginang na naririto ay matatanggap ninyo ang alaala ng ating Republika. Maaasahan ninyo na sa inyong kahirapan at sa inyong pangangailangan, sa gitna ng inyong pangungulila, kung dumating na ang panahon, ang buhay at ang kaluluwa ng inyong Pangulo ay malalagak sa inyong mga kamay yamang siya’y laang lagi na sa pagdamay sa inyo. Salamat sa inyo.

Source: Office of the Solicitor General Library