Talumpati sa radyo ng Kanyang Kadakilaang Jose P. Laurel Pangulo ng Republika ng Pilipinas, sa mga magsasaka ukol sa pagtatanim sa mga lupain, Malakanyang, ika-12 ng Pebrero, 1944, ika-3:30 ng hapon.

MGA KAPATID NA MGA MAGSASAKA AT MGA KABABAYAN:

Nagagalak ako buhat sa kaibuturan ng aking puso na sa pagkakataong ibinibigay sa akin sa araw na ito ay makapagsalita sa ilalim ng katakut-takot na hirap ninyo alang-alang man lamang sa pinuhunan ninyong hirap at pagod na dinanas sa pagbubungkal ng ating mga lupain at pagtatanim ng mga halaman upang tayong mga Pilipino ay magka-mayroon ng pagkakataong makapagtawid sa gitna ng kahirapan. Nalaman ko ang inyong kahirapan, nakikita halos ng aking dalawang mata ang mga lipak ng inyong mga palad, namamasid kaipala ng aking dalawang mata ang pawis ninyong tumutulo na halos siya na ang idinidilig ninyo sa inyong mga halamang itinatanim upang sumariwa at mabuhay. Kinakailangan na mag-ani tayong lahat, kinakailangan ang pagtatanim sa kabuhayan natin; kaming naririto sa Maynila, hindi kaila sa inyo, lalunglalo na ang mahihirap at walang kaya, ay nagugutom na, sapagka’t walang bigas o kakaunti ang bigas. Naalman ko na kaipala’y marami sa ating mga kababayan ang nagpapataw ng kasalanan sa Pamahalaan, dahilan sa ang Pamahalaang ito, sa pamamagitan ng “BIBA,” ay hindi pa makapagbigay ng bigas na kinakailangan upang sila ay makapagtawid-buhay. Naalman ko rin na kahit na nasa gitna ng kagutuman ang aking mga kababayan ay nagpapatuloy sa kapayapaan ang ating bayan; ang akin lamang sinasabi sa inyong lahat ay ito:

Kung tayo sa panahong ito ay kulang sa bigas at sa maraming bagay na kinakailangan natin huwag ninyong bigyan ng kasalanan ang Presidente ng Gobyerno at sapagka’t ang Presidente at ang Gobyerno ay gumagawa ng lahat ng makakaya. Isinasanla ko ang aking Katawan at ang kaya ng Presidente sa kabunayan ay kanyang ibinubuhos upang malunasan lamang ang hirap ng kanyang mga kababayan Naalman ko rin na noong panahon pa ng “Commonwealth,” 1,000,000 kabang bigas ang nagbubuhat sa Saygon sapagka’t noon pang mga panahong iyon ay hindi tayo nagtatanim ng husto sa atin at umaasa parin man tunay sa inyong isipan, ay pinagpipilitan kong maging tunay, wagas, at maka-Pilipino. Sa inyo namang mga pook, mga kapatid na mga magsasaka at mga magulang, ipagpatuloy ang kaipalang malaking paghihirap ninyo sa pagbungkal ng inyong mga lupain. Kami rito sa Maynila ay sa inyo umaasa sa aming kabuhayan at pagtatawid-buhay. Kaya naman kayong mga may-ari ng mga lupain ay kinakailangang tumulong sa bayan at sa mga kababayan. Inuulit ko sa inyo na huwag maging sakim sa pagkamkam ng maraming salapi. Huwag maging mapag-imbot sa pag-iipon ng maraming kuwarta. Sinasabi ko sa inyo ang sapin-saping kahirapan ng mga kapatid ninyo sa Maynila at sa iba ng mga lugal o dako, sapagka’t ano ang kasaysayan ng inyong pagkamkam ng salapi sa pamamagitan ng “profiteering” at mapag-imbot na palakad sa pagbibili kung ang inyo namang mga kapatid ay namamatay sa inyong pamamaraan dahilan sa katakawan ninyo sa salapi? Saan naroon ang inyong pagkamakabayan upang kayo’y makatupad sa inyong pagka-Pilipino o ang inyong pagka-kristiano, kung ito ang inyong gagawin? Kung dumating na ang panahon na ang hindi ninyo mabuting pagtingin sa marami, lalo na sa mahihirap, at kung sa pag-dating na iyan ng panahon na tinatawag na pagtutuos at makilala ng Pamahalaang ito na kayo ang dapat mapako sa kurus, ang Pamahalaan ay hindi maaaring makisama sa inyong kasalanan, manapa, itong Pamahalaang ito ay siyang tutubos at magtatanggol sa katwiran ng marami at ng mga mahihirap sapagka’t ang mga tumutulong sa Pamahalaan ay siya lamang dapat na tulungan. Hindi maaaring tumulong sa sino mang hindi tumutulong sa kanya. Sa pagtutulungan, pati ng mga may-lupain. sa pagbungkal ng mga lupa, sa pamamagitan ng tulo ng pawis at paggamit ng bisig at lakas ng lahat ng mga Pilipino, ang pagbibigkis-bigkis ng lahat ng mga Pilipino, ang pagsasama-sama nating lahat sa pagbungkal ng mga bukirin at sa hindi natin pag-asa sa kanino pa mang lahi, sa Hapon o sa Amerikano, at ang katigasan ng ating loob sa pagsasama-sama sa ating nais, ay diyan nariyan ang ating katubusan, diyan nariyan ang ating pagtagal sa mahabang panahon sa pagkakuha ng tunay na Kalayaan na ating pinagpipilitang maging tunay, wagas at dalisay. Kaya’t mga magsasaka, mga kapatid. alamin ninyo na hindi nararapat na tayo’y maghintay sa hindi na darating at hindi naman makatutulong sa atin, huwag tayong umasa sa kanino pa man, bago tayo tulungan ay tutulungan muna nila ang kanilang sarili. Ipakilala natin ngayon na tayong mga Pilipino, ay handang magbanat ng bisig, buong pusong tutuparin at nahahanda sa lahat ng oras sa mga kahirapan at kamatayan, lalung-lalo na kaming mga taga-Maynila na walang makain; sa ganang akin, magpapatuk ako sa aking paghakbang, kung kinakailangan mapako ako sa kurus, mapariwara sa kamay ng aking mga kalahi, walang kailangan sa akin huwag lamang magkamatay ang aking mga kababayan, kailangang sila ay mabuhay upang ang ating Kalayaan na pinamuhunanan ng pawis at dugo ng ating mga ninuno, ama at mga magulang, ay hindi makamkam at maagaw sa kamay ng mga Pilipino ng aim mang lakas at kapangyarihan.

Source: Office of the Solicitor General Library