Ang Pinagmulan ng mga Sagisag ng ating Bandilang Pambansa

Maliban sa impluwensiyang Masón sa Katipúnan, nag-uugat ang disenyo ng bandila ng Pilipinas sa magkakamag-anak na bandilang kinabibilangan nito—ang sa hulíng pangkat ng mga kolónyang kinabibilangan ng Pilipinas na naghahangad ng kalayaan mula sa Imperyong Español sa pagsasara ng ika-19 na siglo.